Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, March 4, 2015

Ang sinungaling at walang kwentang balita ng TRENDING NOW!




Trending Now should be banned and penalized!  Ito ang nasa isip ko ng mabasa ko ang latest nilang headdline na,  "Highschool Student died after re-enacting the Fifty Shades of Grey."  Pag binasa mo ang artikulo ay aakalain mo na totoo ito pero wala po itong katotohanan at pawang kathang isip lamang.  Bakit ko nasabi?

Pansinin po natin ang lahat ng post na nasa site na ito at makikita natin na ito ay pawang mga fake news na pinaglalaruan lamang ang mga trending na topic.  Bakit?  Simple lamang, para mag gain ng traffic at kumita sa ads syempre.

Ang mahirap dito ay walang disclaimer man lang sa site na magsasabing fake lamang ang mga balitang nakasulat doon at wag papaniwalaan.  Kung mababasa natin ang mga comment sa article na, "Highschool Student died after re-enacting the Fifty Shades of Grey," makikita natin kung gaano kaseryoso na dapat iban ang website na ito o kaya ay magdemand ng "disclaimer" sa kanila.


Payong kapatid lamang na sana kapag po magbabasa tayo sa anumang site at ishare sa social media ay atin munang alamin kung totoo ba ito o hindi upang sa ganun wag nang maipasa ang mga malisyosong balita na kagaya nito.

Ikaw ba, anong masasabi mo ukol dito sa Trending Now?

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: