Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, March 4, 2015

Paalam Jam Fernando Sebastian (Jam of Jamich Dies)



Pagkatapos ng matagal na pakikipaglaban sa sakit na lung cancer ay pumanaw na ang isa sa mga iniidolo natin online na si Jam Fernando Sebastian.  Si Jam ang lalaki sa sikat na online love team na Jamich.

Sumikat ang Jamich sa kanilang mga nakakakilig at puno ng inpormasyon na music video at mga maiikling kwento sa YouTube.  Si Jam ay kapatid ng sikat na toy collector at dating member ng Streetboys na si Yexel Sebastian.

Naalala ko tuloy noong mag launching ang bagong branch ng Yexel Museum sa Manila Ocean Park ay di mapigilan ni Yexel na umiyak habang kinukwento nya ang kanilang mga pinagdadaanan.  Isa sa pinakamabigat na kanyang inaalala ay ang kalusugan ng kanyang kapatid na si Jam.

Ang mga naiambag nina Jam at Mich sa atin upang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagmamahal anupaman ang sitwasyon natin ay hindi biro.

"Nakapag decide na ang family. Hinihintay nalang maubos ang gamot ni Jam. Hindi ko kayang tignan ngayon yung ginagawa sakanya. Na inaayos na siya. Ang sakit marinig na napag uusapan na kung anong susuotin niya. Sabay sabay tayong mag pray for Jam na makaramdam na siya ng love and comfort sa arms ni God. Pag pray din natin na maging strong tayong lahat. Everything will be okay... We love you Jam Fernando Sebastian. I'm sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa Heaven. Sana madream kita na ipaalam mo lang samin na masaya ka na and healthy ulit with God. Thankyou for everything... No words can explain. Until we meet again..."
Ito ang mensahe ni Mich o kilala sa tunay na buhay na si Paolinne Michelle Liggayu, ang katambal ni Jam.  Totoong napakasakit isipin na mawawala na ang taong nakasama mo at lalo't higit minahal mo.  Kung ako siguro ito marahil matagal akong hindi makakausap at magiging depressed talaga.

Sa pagpanaw ni Jam ay ating alalahanin ang kanilang mga naiambag sa ating buhay at ang mga mensahe at aral na ating nakuha mula sa kanila.

Gaano nga ba kasarap ang magmahal at ano ang tunay na pagmamahalan?  Siguro ito ang isa sa naipakita ng Jamich.  Naipakita na kahit babae man ay pwedeng magpropose at walang sekswalidad sa pagmamahalan.


Muli isang pagsaludo sa iyo JAM FERNANDO SEBASTIAN at paalam!  Maiksi man ang iyong buhay subali't ito ay naging napaka makabuluhan.

May nais ba kayong iparating o ibahagi sa amin tungkol sa inyong nararamdaman o paghanga kay Jam?  Magpost lang at mag comment.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: