Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, June 30, 2015

Electing a gangster - Binay pa more!


Mula sa isang payak na lungsod ay umunlad ang Makati at naging "Business Capital of the Philippines."  Pinayaman ng mga Binay ang Makati, binigyan ng libreng edukasyon ang mga kabataan, access sa health care at marami pang iba.  Pero sa tagumpay na ito ng Makati ay kasabay daw niyang ninakawan ang kaban ng bayan at nagpayaman sa kanyang sarili.  Totoo ba o hindi?  Kung hindi totoo eh bakit ayaw nyang sagutin?

Sa gitna ng trabaho ko ay di ko maiwasang hindi magsulat dito sapagka't napuno ang Tweedeck feed ko ng mga Tweets tungkol sa standoff sa Makati na kung saan ay ayaw na naman umalis ni Mayor JunJun Binay sa kabila ng suspension order ng Ombudsman.  Kasama niyang nakiiisa doon ang kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay at ang isa pang kapatid na si Senator Nancy Binay.  Para kang nanunuod ng demolisyon sa isang squater area o pwede ring naman standoff ng isang mob ng gangster laban sa mga pulis.

Have we elected a bunch of gangster into office that would just defy the law?  Para kanang nakakapanuod ng live na shooting ng pelikula ni Al Capone pero buti na lang walang barilan.

Bakit hindi nila kayang sumunod sa batas?  Ganito ba ang asal na dapat ipakita ng isang Vice President na naghahangad maging Pangulo ng bansa?  ito ba ang klase ng pamilya na makakasama nya?


Pulitika lang daw ang dahilan kaya sila ginigipit ng ganito.  Pwede naman niyang sagutin ang mga alegasyon sa kanya at harapin ito at kung talagang wala silang kasalanan ay lalabas at lalabas rin ang totoo.  Subalit sa halip na harapin ang mga alegasyon ay pamumulitika, grand statements at iba-ibang pakulo ang ginagawa ng mga Binay.

Ganito ang asal ni Senator Nancy Binay... Eh di wow1
Di porke't hindi sila mukhang haciendero katulad mo [Roxas], ganyan nalang sila tratuhin. 
Sino ba talaga ang nagbibigay ng utos sa kanila para pahirapan ang mga tao natin dito sa Makati? Sino ba ang head ng DILG?

Eto naman ang sabi ni Mayor...

We are the financial center. Marami kaming maipapakita na ginawa namin dito. Hindi naman po kami nagpabaya. 
Nandito na naman kami ulit sa isang sitwasyon na magiging mahirap po ang pagtatrabaho namin para sa inyo.

Kung tatakbo si VP Binay sa 2016 at mananalo magiging malaking tanong ito sa ating mga botanteng Filipino kung paano tayo mamili ng magiging lider.  Bakit nga ba na elect pa si Nancy Binay sa pwesto gayong wala naman siyang matibay na background para masabing magigi syang mabuting senador?  Bakit nga ba nananatili sa pwesto ang mga Binay?

Ang pulitika sa ating bansa ay politics of convenience.  Kapag natulungan kla ng isang pulitiko may utang na loob ka na sa kanila at kahit magnakaw sa pwesto ang mga iyon tila marami ang nagiging bulag, pipi at bingi.

Ikaw ano ang masasabi mo?  Sang-ayon ka ba sa mga sinasabi ko dito o hindi?  Kung hindi sabihin mo sa akin bakit nagkakamali ako at bakit hindi kahihiyan sa bansang Pilipinas ang mga Binay?


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: