Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, June 24, 2015

Sisirain mo ba ang sarili mong bayan? Bakit ko wawasakin ang Atimonan, Quezon?

Kaya mo bang sirain ang iyong sariling bayan?  Wawasakin mo ba ang isang magandang bayan tulad ng Atimonan, Quezon?  Ikaw ano sa palagay ,mo?  Maaatim mo ba?  TIla kaya yata ng iba na gawin ito kapalit ng pinapangakong trabaho, kuryente at iba pa para itayo ang isang bagong COAL-FIRED POWER PLANT sa Atimonan, Quezon.




Kung ayaw mong maging biktima nito ang bayan ng Atimonan, makiisa at pumirma sa mga petisyong ito:


Kung nag-iisip ka kung bakit ka lalagday, hayaan mong bigyang linaw ko ang mga dahilan:

Pagmasdan ang magandang kapaligiran sa pagtatayuan ng plantang ito...


 Opo, hindi tayo mabubuhay na wala ang mga existing na coal-fired power plant at opo gumagamit kami ng kuryente na galing dito subalit kailangan pa bang dagdagan ang mga ito?  Ang coal-fired power plants ay isa sa pinakamaruming sources ng electricity generation at dahil nga dito kaya nagkaroon ng Renewable Energy Bill na ating ikinampanya noon.

Bakit Coal-Fired Power Plant at Hindi Renewable Energy?

Ano ang nasasaad sa Renewable Energy Law o ang Republic Act 9153 "AN ACT PROMOTING THE DEVELOPMENT, UTILIZATION AND COMMERCIALIZATION OF RENEWABLE ENERGY RESOURCES AND FOR OTHER PURPOSES"

It is hereby declared the policy of the State to: 
(a) Accelerate the exploration and development of renewable energy resources such as, but not limited to, biomass, solar, wind, hydro, geothermal and ocean energy sources, including hybrid systems, to achieve energy self-reliance, through the adoption of sustainable energy development strategies to reduce the country's dependence on fossil fuels and thereby minimize the country's exposure to price fluctuations in the international markets, the effects of which spiral down to almost all sectors of the economy; 
(b) Increase the utilization of renewable energy by institutionalizing the development of national and local capabilities in the use of renewable energy systems, and promoting its efficient and cost-effective commercial application by providing fiscal and nonfiscal incentives; 
(c) Encourage the development and utilization of renewable energy resources as tools to effectively prevent or reduce harmful emissions and thereby balance the goals of economic growth and development with the protection of health and the environment; and 
(d) Establish the necessary infrastructure and mechanism to carry out the mandates specified in this Act and other existing laws.
Kung policy pala ng bansang Pilipinas na palaganapin ang Renewable Energy bakit patuloy ang pagpaparami at pagpapatayo ng mga bagong non-renewable energy plants gaya ng coal-fired power plants?  Tila isa na naman yata itong batas na nabalewala.

Malinaw ang mga mapaminsalang epekto ng ganitong klase ng power source at hindi lamang iisang beses itong napatunayan kundi napakarami na.  Sa katunayan nga maging ang US ay ginagawa ng palitan ang mga ito.  Pero ibang bansa iyon di ba?

May masamang epekto ba ang Coal-Fired Power Plant?

Tingnan natin ang mga video sa ibaba na mula mismo sa ating lalawigan ng Quezon.
"Patutunayan ko po sa inyo na ang lahat ng pangako ng mga proponents ng Coal Power Plant ay kasinungalingan, wala po silang ginawang magaling sa bayan ng Mauban... Nung una po kokonte ang may sakit samin ng hika at sakit sa baga. Pero ngayon po. Umistambay kayo sa clinic ng mga bawat doctor. Halos lahat ng diagnosys nila sa mga bata, ay hika, mahina ang baga. Bakit po? Sapagkat madumi na po ang hangin nalalanghap."


Panuoring mabuti ang video na ito at pagmasdan ang tubig na malapit sa Coal Power Plan sa Pagbilao, Quezon.



Niloko ang taumbayan?

Ayus sa isang nagbigay ng information sa ating blog sa Villa Ibaba yung power plant, Sitio Carinay, pagkalampas lang cya boundary ng Caridad Ilaya. Ang unag itatayo raw diro ay LNG o Liquified Natural Gas subalit nang marami na ang pumayag dito ay bigla raw itong nabago at naging Coal Plant na nga.

Ang Mayor daw ng bayan ang namili ng mga lupain sa pagtatayuan ng planta na siya naman niyang ibebenta sa kumpanyang magtatayo nito.  Ayon pa rin sa ating source nabayaran na daw kalahati sa mga may ari ng lupa

Ano ang magagawa mo para sa bayan ng Atimonan?

Wawasakin ba natin ang isang bayan alang-alang sa isang 1,200 Megawatt Power Plant na magsusuply ng kuryente gayong sa panahing ito ay marami namang alternatibong pwedeng gamitin gaya ng geothermal, hydro, wave, solar, wind at marami pang iba?  May Geothermal plant na ba sa Taal o sa Pinatubo?  Saan ba pwede ang solar?  Mahirap mag-isip ng alternatibo pero kung tunay na nagmamalasakit tayo maiisib natin ito.

WAG NATING SIRAIN ANG NAPAKAGANDANG BAYAN NG ATIMONAN!

Sign the petitions below now and STOP THE DESTRUCTION OF ATIMONAN, QUEZON.


https://campaigns.350.org/petitions/keep-atimonan-coal-free

Pakipasa po ang artikulong ito para sa kinabukasan di lamang ng Atimonan, Quezon kundi ng iba pang bayan sa ating bansa.




Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: