Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, September 22, 2015

Ang Kwento ng Ma-i at bakit dapat mo itong subaybayan?

Mayaman ang Pilipinas sa mga epiko, kwento, alamat at marami pang iba subalit hindi ito napapagtuunan ng pansin ng karamihan.  Marahil ay dahil para sa mga kabataan at mambabasa ngayon ay nakakatamad na itong basahin at sariwain pa.  Salamat na lang sa CSM Publishing at sa mga manlilikhang sina Arya Chelabian  at Faye Villanueva mukhang muling magiging interesante ang pagbabasa sa mga ito sa pamamagitan ng kanilang Pinoy manga na MA-I.


Natapos ko na ang pagbabasa ng unang 5 aklat sa Ma-i at ito rin ang muli kong pagbabasa ng komiks makalipas ang halos 4 na taon.  Huli kong binasa at napuri ang Trese na sadyang kakaiba ang istorya at sumasaklaw din sa mayamang mundo ng Pinoy folklore.


Maganda ang pagkakadrawing ng mga tauhan, malinis ang mga dialogue, nakakatawa ang ilan sa mga tunog at eksena at mararamdaman mo ang emosyon ng bawat karakter at ng mga pangyayari sa Ma-i.  

Napagtagumpayan nina Arya at Faye na bigyan ng emosyon ang kanilang komiks at buhayin ang namatay na sekreto kung bakit namayagpag ang komiks noon. Sa katunayan ay naluha ako sa Aklat 4: Ang Alitaptap.  Sobrang tindi ng mga pangyayari at eksena sa aklat na ito na sinundan pa ng matinding pangyayari sa susunod na aklat.


Sana lamang ay maipakalat sa mga mambabasa ang ganda ng Ma-i at sana ay hindi magsawa sina Arya at Faye at ang CSM Publishing upang ipagpatuloy ang napakagandang kuwento ng Ma-i.  Abangan ang mga karakter na sina Lakan, Luta, Aman, Makaka, Apo Guinoo, Kal'lila, Tiktik at marami pang iba.



Para sa karagdagang impormasyon at kung paano makakakuha ng inyong kopya ng Ma-i bumisita lamang sa Facebook page ng CSM Publishing.

Tandaan na wala pang P100 ang libro at tinitiyak ko na hindi kayo magsisi sa inyong pagbasa ng kuwento ng Ma-i.  Maraming salamat din sa CSM Publishing sapagkat nabigyan ako ng pagkakataon na buhayin si Kal'lila.

At kung nabasa nyo na ang komiks na ito ay nais ko ring malaman ang inyong mga masasabi ukol dito.

Narito ang ilang larawan na kuha sa Araw ng Ma-i sa Manila International Book Fair:

Si Luta at Lakan

Sina Makaka, Kal'lila at Tiktik

Paghaharap nina Makaka at Aman

Lakan at Luta laban kay Kal'lila

Si Apo Guinoo, ang mortal na kaaway ni Kal'lila

Saan hahantong ang kasamaan ni Kal'lila?
Salamat sa pagbabasa.


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: