Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, September 13, 2015

TAKLUB, Pelikulang sumisimbulo sa kabayanihan at tatag ng bawat Filipino

Gaano nga ba katatag ang isang Filipino?  Ano nga ba ang magpapabagsak sa kanya?  Sa pinakabagong pelikula ng batikang direktor na si Brillante Mendoza na TAKLUB ay maaaring maisalarawan ang tunay na pagkatao at karakter ng bawat Pinoy. "There's a time for everyting.  A time to tear down... and a time to build."  Kelan nga ba muling magsisimula ang mga biktima ng isang karanasan na nagwasak sa kanilang buhay? 

Panoorin ang kwento nina Bebeth, Larry at Erwin na sumasalamin sa buhay ng mga nasalanta ng Bagong Yolanda (Typhoon Haiyan).  Isang kwento ng pagpapanatili ng kanilang katinuan at pagkatao habang hinahanap ang mga mahal nila sa buhay na namatay sa matinding kalamidad.

Si Bebeth (Nora Aunor) ay hinahanap ang bangkay ng kanyang tatlong anak; si Larry (Julio Diaz) ay namatayan ng kanyang asawa at ibinuhos ang panahon sa pagsama sa mga namamanatang Katoliko; at si Erwin (Aaron Rivera) na sinusubukang itago ang pagkamatay ng kanilang magulang sa kanilang nakababatang kapatid na babae.

Makakaya ba nila ang mga paparating pang unos na susubok sa kanilang pagkatao at katatagan?  Ang TAKLUB ay pagpasok sa tindi ng dagok at sakit na naranasan ng ating mga kababayang tinamaan ng Bagyong Yolanda.  Ito ay isang kwento na magbibigay sa atin ng lakas ng loob at pagmamalaki na tayo ay mga Filipino.

Huwag nating palampasing mapanuod ang isang pelikulang maipagmamalaki natin sa buong mundo.  Ang TAKLUB ay umani ng papuri sa Cannes Film Festival bilang  Ecumenical Jury Prize-Special Mention at darating na SEPTEMBER 16 ay mapapanuod na ito sa mga sinehan hatid ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Solar Pictures.


Narito ang mga sinehan kung saan mapapanuod ang TAKLUB ni Brillante Mendoza:
  1. Fairview Terraces
  2. Gaisano Grand Malls Davao
  3. Gateway and Ali Mall Cineplex
  4. Glorietta 4
  5. Market Market
  6. Robinsons Movieworld Galleria
  7. Robinsons Tacloban
  8. SM Cinema Fairview
  9. SM Cinema Manila
  10. SM Cinema Megamall
  11. SM Cinema North EDSA
  12. SM Cinema Sta Mesa
  13. Trinoma

Kaya bang tanggaling ang TAKLUB ng pasakit na dinanas ng mga karakter?  Kaya ba ng Pinoy bumangon sa isang trahedya?  Ito ang ating malalaman sa September 16.


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: