Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, January 8, 2016

Paalam German Moreno - Isang Tula Para Kay Kuya Germs

Ngayong araw na ito sa ganap na ika-3 ng umaga ay pumanaw si Master Showman German "Kuya Germs" Moreno dahil sa atake sa puso.  Isa siya sa lagi nating nakikita sa telebisyon at nagbigay ng pag-asa at career sa napakaraming artista at baguhan.  Ang kanyang pagpanaw ay tunay namang nakakalungkot.

Kaya nga nag-aalay ng "Tula Para kay Kuya Germs" ang Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?

PAALAM MAHAL NAMING MASTER SHOWMAN
Isang Tula Para kay Kuya Germs

Sa iyo kami ay laging napupuyat
Sa show mo na Walang Tulugan na langing angat
Ikaw ang aming inaabangat sa bawat ulirat
Napapasaya mo kami ng walang puknat

Oh Master Showman, ang galing mo!
Sa iyong mga natulungan kamiy napahanga.
Ano ba ang sekreto mo?
At ikaw ay sadayang nakakapagpatawa?


Sa iyong pagpanaw kami ay malulumbay.
Ang aming buhay ay tila nawalan ng saysay.
O kay sakit isipin na ikaw nga ay pumanaw.
Pero sa aming puso ika'y patuloy na magiging ilaw.

Paalam Kuya Germs, lubos ka naming mahal.
Nawa'y dalhin mo ang aming mga dasal.
Ang iyong buhay sa amin ay aral.
Sana sa iyong patutunguhan kami'y ipagdasal.

Sana po ay nagustuhan ninyo ang simpleng tulang ito.  Paalam kuya Germs at sana wag na wag natin siyang kalilimutan.


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: