Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, February 3, 2016

Ano ang dapat mong gawin pag weirdo ang mga officemates mo?

May weirdo ka ba na officemate?  Yung tipong malakas ang trip at di mo masakyan o baka ikaw naman ang weirdo?  Anyways, ano nga ba ang dapat mong gawin kapag weirdo ang mga officemates mo?

Dito sa office namin actually di naman sila sobrang weirdo pero sabi nila weirdo daw sila na officemate. Bakit nga ba?  Well konting intro muna.

  • ROCKSTAR WHO NEEDS GF - ang matalinong rockstar ng banda na hindi ko alam if naniniwala sa forever o hindi kasi palagi nya yan tinatanong.  Wish ko lang magka gf na eh.
  • KPOP LOOKING GIRL WHO NEEDS BF - walang effort talagang akala mo kasamahan nina Sandara Park, mahilig sa music at matalino pero hugot sa lovelife.  Nakaexperience yata ng matinding pagmamahal at ngayon eh in search for new love.
  • THE BOSS DJ - ang malupet na bago sa office na binibiro sa akin, hay naku weird talaga nila.  Mahilig magpatugtog at magmukhang boss pero mabait naman hahaha.
  • HUGOT QUEEN SUPERSTAR - ito ang super dami ng hugot araw-araw at apple of the eye ng mga boys kaso andami na rin binasted.  Hindi ko alam ano type neto eh.
  • IN LOVE - ang dating walang lovelife na tila biglang natagpuan ang kanyang soulmate at simula noon blooming na.
Sa totoo lang maingay kami usually sapagkat pag nagsama-sama riot.  At dahil sa kanila nainspire ako na sulatin ito... sana may sense.

Technically, hindi pa talaga yan weird eh paano kung weirdo na talaga.  Yung tipong hindi nagsasalita, o kaya kung makatingin eh akala mo lalamunin ka palagi.  Ano ba ang dapat mong gawin?

Okay eto ang mga naisip ko:

  1. Kaibiganin mo.  Come on talk to that person and introduce yourself kasi baka naman napreprejudice mo na yung tao.  Mamaya broken hearted or may dinadala so bring comfort.
  2. Pretend it's a movie shoot.  Isipin mo na lang na nasa shooting ka ng isang pelikula at kung anuman kaweirdohan na naiisip mo eh yun ang tema.
  3. Be a spy.  Tingnan mo kung ano mga ginagawa, kilalanin mo, stalk mo sa social media.  Syempre hindi para gawan ng masama kundi para mas makilala pa sya.
  4. Ask the HR.  Punta ka sa HR nyo at tanungin ano trip nung weirdo mo na officemate.  Minsan mahirap na kasi baka nababaliw na talaga.
  5. Superhero yan.  Baka naman secret identity lang nya yan at sa totoo ay isa siyang superhero.  Isipin mo na lang ka opisina mo si Superman.
  6. Makiride.  Makisakay ka na lang... alam ko naman trip mo rin eh.
Yan lang naman mga naisip ko.  Ikaw ba baka may naisip ka pa o kaya baka gusto mo share ang experience mo sa weirdo na officemate mo.  Comment na at pag-usapan natin sila... bwahahahaha!


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: