Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, February 6, 2016

Filipinos have no regard for history - Ang Bahay na Pula

Oo tama yan!  Wala talaga yata tayong pakialam sa ating kasaysayan kaya kahit masira ang mga bagay na may kaugnayan dun ay okay lang.  Sa totoo nga eh kahit yung mga ginawang kahayupan sa panahon ni Marcos ay tila nakakalimutan na natin.  

Anyway, ang post naming ito ay ukol sa BAHAY NA PULA sa San Ildefonso, Bulacan na sa kasalukuyan ay tuluyan ng winawasak at mawawala sa ating paningin.

Bakit ito mahalaga?  Ating panuorin ang video na ito para malaman natin kung ano nga ba ang Bahay na Pula.

Bahay na Pula...nakakalungkot isipin na dahil sa patuloy na pagsira ng iba sa Bahay na Pula ay unti-unti na itong maglalaho, minarapat kong i-upload ang videong ito para maala-ala natin kung gaano kahalaga ang Bahay na Pula sa kasaysayan ng ating bayan. #savebahaynapula #anyatam #sanildefonsobulacan #history #panahonnghapon (video credit © Donelle Marie D. Agudo and Evelyn Agudo)
Posted by Pher Pahati on Sunday, December 6, 2015

Paano naatim ng pamahalaang bayan ng San Ildefonso o maging ng panlalawigang pamunuan na mawala ang isang makasaysayang lugar na tulad nito.  Wala ba silang gagawin para pigilan at pangalagaan ito.  Hindi ba may imminent domain naman ang estado na pwedeng gamitin.

Sabi nga ng ating kasamahan mula sa blog na Republika Natin, "TAYO NA GUMAWA NG HAKBANG PARA SA ATING BAYAN".

Pagmasdan ang nakakaawang itsura na nito ngayon.


Nakakagigil hindi ba?  Sana naman ay ishare ninyo at maparating sa kinauukulan ang bagay na ito.


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: