Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, February 11, 2016

Halalan 2016: Why should you vote for Rody "Digong" Duterte for President?

Why on earth would you vote for Rody Duterte for President of the Philippines?  Who in the right mind would do that?  Well, mga kaibigan para sa akin ang mga taong nasa tamang pag-iisip ay boboto ng tama at isa sa pipiliin nila ay si Duterte.  Bakit?  Eto ang mga personal kong sagot...
1.  No Political debt.  Walang utang na loob na dapat bayaran si Duterte sa pulitika, hindi kagaya ng kanyang mga kalaban.  Hindi sya umaasa na mananalo dahil sa impluwensya o pabor mula sa kung sinu-sino.

2.  Duterte has a mind of his own.  Hindi sya papasulsol sa kung kani-kanino kasi may sarili syang opinyon at kuro-kuro.  Alam niya ang mga issue at may alam din sya kung papaano sosolusyunan ang mga problema ng bayan.  Marunong siya makinig pero hindi ba mahalaga pa rin na may sarili kang desisyon kasi kung hindi magiging puppet ka lang?

3.  Bold and daring.  He has the guts to change the rotten system of Philippine politics.  May kanser na ang pulitika at lipunan sa ating bayan at ang kailangan nito ay isang operasyon mula sa isang doktor na may political will.  Si Duterte lang ang nakikitaan ko ng will.

Mayor Rody Duterte at Tondo Proclamation Rally 2016
RodyDuterteVolunteersForChange2016 would like to thank cinEmotion Digital FilmAt Tondo Proclamation RallyCredits: cinEmotion Digital FilmVideographer Rhonel Christian AbasoloKenmark SumbilonEuver GrafilonAlmar PeraltaChristian "Edoy" ArrietaSahad Andal JrAerial Pilot Michael SubidoEditor:Sahad Andal Jr#Duterte2016#VoteDuterteCayetano#RodyDuterteVolunteersForChange2016
Posted by Rody Duterte - Volunteers For Change 2016 on Wednesday, February 10, 2016
4.  He is a "real" person.  Totoo syang tao at hindi plastik.  Hindi sya magsisinungaling sayo na santo sya o walang bahid ng kasalanan para lang maging maganda ang papel nya sa lipunan lalo na sa simbahan.  Kumbaga kay Duterte what you see is what you get.

5.  He has political will.  What our country needs now is a leader who has the political will and I believe that he has that.  Pag sinabi nya kaya niyang gawin at yan ang wala ang iba - bayag.

Paano naman sa mga batikos sa kanya?  Tingnan nga natin...

1.  Sanggano at mapagmura.  Sino ba sa atin ang hindi mapapamura sa mga nangyayaru sa ating bayan?  Bawal ba ang magmura bilang expression?  I do not think so.  Pero syempre kailangan din nyang bawasan yan kahit papaano.

2.  Babaero.  Well morality is subjective and it depends on who sees it.  This is his personal life and I do not think that he is in reality that extreme mas marami dyan eh ginagawa lang nya for the hype para mapag-usapan sya.

3.  Not conformist.  May nakita ako picture na hindi raw sumusunod sa dress code si Duterte.  Well, may kinalaman ba ang dress code sa pamumuno?  Should we base leadership and choice based on that? I do not think so.

Duterte is the best choice we have and you should vote for him because he is worth a try and worth every vote that we have.  Sige nga sino pa ba ang pwede iboto?
  • Jejomar Binay - Kung sinagot lang sana nya mga alegasyon sa kanya pwede pa sana.  Gagawin daw nya sa buong bansa ginawa nya sa Makati... hmmm isipin natin yang mabuti ah kasi may good and bad yan.
  • Mar Roxas - Ipagpatuloy ang daang matuwid pero naging matuwid nga ba ang daan?
  • Grace Poe - the Presidency needs experience and that is what she lacks.
  • Miriam Defensor-Santiago - she is probably the second best choice after Duterte but it seems na masyado syang bokal and unstable.  Pero I would not mind if you choose her.
So bakit mo dapat iboto si Rody Duterte?  Hmmm baliktarin natin, bakit ba ayaw mo sya iboto?

I am voting for Rody Duterte and I am asking you with all my heart to not only vote for him but also help in the campaign.

DUTERTE AKO!


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: