Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, February 17, 2016

Mga bakla at tomboy mas masahol pa sa hayop - Manny Pacquiao

Manny Pacquiao News: Boy Abunda, Vice Ganda, Aiza Seguerra, etc reacts to anti-LGBT statement.


Okay Manny Pacquiao is just being honest about how he sees lesbians and gays or same-sex relationship pero dyusko naman di ba kailangan bang ipagsigawan?  Pero at least honest siya sa kanyang mga stand.  Kaya nga eto na ang Manny Pacquiao News natin kasi nag react na sina Boy Abunda, Vice Ganda at Aiza Seguerra.

Manny Pacquiao on same-sex marriage
"Mas masahol pa sa hayop." Senatorial aspirant and Sarangani Rep. Manny Pacquiao had this to say when we asked him for his stand on same-sex marriage. #BilangPilipino
Posted by Bilang Pilipino on Monday, February 15, 2016
Ano nga ba ang sinabi ni Manny Pacquiao?  Isa-isahin natin...

"Ginawa ang babae para sa lalaki, ginawa ang lalaki para sa babae (Woman was made for man, man was made for woman)."
May katotohanan naman po yan ayon sa Bible at wala naman pong kagalit-galit yan di ba?

"Common sense lang. Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop. Marunong kumikilala, kung lalaki o lalaki, babae o babae (It’s common sense. Will you see any animals where male is to male and female is to female? The animals are better. They know how to distinguish, male or female)."
Well, sagutin natin.  Aba opo Mr. Manny Pacquiao nakita nyo po ba na minsan ang lalaking aso eh kapwa lalaking aso ang pinagtritripan?  May iba pa nga na sa sarili lang eh nakakapag reproduce na hindi ba?  If animals are better ibig sabihin you are not better than them kasi tao ka rin.  Kapal ng mukha di ba?

"Ngayon kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, mas masahol pa sa hayop ang tao (If we approve male-to-male, female-to-female pairings, then man is worse than animal)."
Alam mo ba na marami kang supporters na member ng LGBT community tapos sasabihin mo mas masahol pa sila sa hayop?  Eh kung sabihin kaya nila na mas masahol pa sa hayop yung tumatakbo tapos nananalo at hindi naman umaattend ng sessions at wala pang alam.  Di ba masakit din?

I never really want Pacquiao to win in the 2016 elections.  Are we just this low to elect someone as stupid as him?  Pasensya na hanga ako sa boxing nya pero sa pulitika come on people...

Eto naman ang sabi ng mga kilalang LGBT personality sa kanya:

Boy Abunda on Manny Pacquiao LGBT comment:
Ako po ay nasaktan, ang sama-sama po ng loob ko dahil sobra po ang pag-galang ko 'kay Manny Pacquiao," started Boy. "Alam niyo po, hindi ko alam kung ano ang pamantayan niya ng sinasabi niyang 'tao.' Kung ang tao ay nananakit o ang tao ay nangyuyurak ng karapatan ng ibang tao, eh gugustuhin ko na po maging hayop. Kung ang ibig sabihin po ng mga hayop ay gumagalang, ang ibig sabihin ng hayop ay nagmamahal, then I am an animal."
(I am hurt, I am very hurt because I highly respected Manny Pacquiao. You know, I don't know what his standard is for what he is calling 'people.' If a person hurts or if a person damages the rights of other people, then I would prefer to be an animal. If what it means to be an animal is to show respect, if what it means to be an animal is to love, then I am an animal.)
Aiza Seguerra on Manny Pacquiao LGBT comment:

"Ang kailangan ng bansang ito ay mga taong nag-iisip. Utang na loob, kilalanin ninyo ang iboboto ninyo, I am so (expletive) mad I don't know what to say. You might've done our country proud but with your statement, you just showed the whole country why we shouldn't vote for you.  And yes, I think you are an ignorant, bigoted hypocrite.  You made me lose all respect that I had for you, Mr. Pacquiao."
Vice Ganda on Manny Pacquiao LGBT comment:

“Manny, ‘di ka namin mapipigil kung gusto mong husgahan ang mga bakla sa mundo. Siguraduhin mo [lang] na ‘di ka namin makakasalubong sa impyerno,  “Ang kailangan sa Senado ay mga bihasa sa pulitika, sa batas, sa ekonomiya. Hindi mga bulaang propeta.  Manny, maganda yung pagattend mo sa mga prayer meeting mo. Pero ‘di masama kung umattend ka din sana noon sa kongreso," 
(Manny, we cannot stop you from judging all the gays in the world. Just make sure that we won’t see you in hell.  What we need in the Senate are those who are experienced in politics, law, and economics—not false prophets.  Manny, it’s good that you are attending your prayer meetings but it wouldn’t hurt if you will attend sessions in Congress.)
Ayan ang ilan man sa mga reaction.  Kayo ano ba ang masasabi nyo sa sinabi ni Manny Pacquiao na ito tungkol sa gay at lesbians?





Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: