Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, April 29, 2016

Sino na ang pangulo mo? Duterte ka pa rin ba?

Sino na ang iboboto mo sa Mayo 9?  Kay Duterte ka pa rin ba sa kabila ng lahat ng puna sa kanya?  Kay Binay ka pa rin ba sa kabila ng di nya masagot-sagot na nakaw na yaman?  Kay Roxas ka pa rin ba na tila magaling lang bilang legislator?  Kay Poe ka pa rin ba na wala pang masyadong experience?  Baka naman kay Miriam ka na tila malapit nang bumigay sa karamdaman?



Sino nga ba ang dapat iboto?

Aaminin ko na noong nakita ko na tatakbo si Duterte sa una ay ayaw ko sa kanya sapagka't ayaw ko ng pamamaraan nya lalo pa yung Davao Death Squad.  Pagdating ng panahon ay tila napusuan ko na rin sya at isa ako sa mga tumutok at naghintay na tumakbo nga siya sa kabila ng pabago-bago niyang mga desisyon.  Sabi ko sa sarili ko ah political strategy ito ni Duterte.

Tumakbo nga si Duterte and well mind you for me he was the best.  Siya na nga ang magiging leader para disiplinahin tayo at dalhin sa pagbabago.  Noon din ay nagdecide ako na si Trillanes ang iboboto kong Vice President sapagka't alam ko ang kanyang mga nagawa at ang kanyang matapang na paninindigan.  Sila ang tunay na tapang at malasakit.



Subalit sa nakalipas na mga araw ay isang tanong ang namutawi sa akin, "Tama ba ang desisyon ko na iboto si Digong Duterte?"  Akala ko nung bago lang magsimula ang kampanya sya pabago-bago dahil nga political strategy ang tingin ko dun pero ngayon bakit ganun pa rin?  Karapat-dapat nga ba siyang maging pangulo?

Para sa akin ang isang pangulo ay...
  • May paninindigan at isang salita.  Hindi lamang siya basta-basta nagbibitiw ng salita na parang hindi man lang pinag-iisipan.
  • May resppeto sa kapwa.  Dapat marunong rumespeto anuman ang kasarian, paniniwala, relihiyon at iba pa.
  • Pinapahalagahan ang hustisya.  Dapat ang isang pangulo ay may pagpapahalaga sa hustisya o justice.  HIndi dapat basta-basta na lang ang bawat galaw.  Hindi pwedeng basta-basta papatayin mo o gagawin mo ang gusto mo sa kung sino ang sa tingin mo ay mali o makasalanan.
  • May respeto sa batas at demokrasya.  Para sa akin dapat may pagpapahalaga sya sa abatas at sa demokrasya.  Dapat ay mahalaga sa kanya ang mga institusyon ng pamahalaan.
  • Tapat at mapagkakatiwalaan.  Dapat ay wala siyang bahid dungis ng korupsyon o pagnanakaw.  Hindi baleng bakla siya o tomboy, hindi baleng babaero sya o anupaman basta dapat mapagkakatiwalaan sya sa kaban ng bayan.
Si Duterte pa rin ba ang pangulo ko?  HIndi ko alam.  Natatakot ako para sa ating bayan kung siya ay mananalo at ito ang ipapakita niya.  Hindi basta-basta maging pangulo ng isang bansa.  Hindi basta-basta ang mga haharaping problema.  HIndi ito pwedeng idaan sa init ng ulo.


Para sa akin kung malinis ka talaga at walang itinatago wala ka dapat iwasan.  Ipakita mo ang totoo at isampal mo sa mga mukha ng nag-aakusa sayo na sinungaling sila.  Politics is a very dirty game and if they trample upon you, defend your honor and smile back at them with a grin.

Ikaw sino na ba ang pangulo mo?  Si Miriam na lang kaya ang iboto ko?  Hahahhaha.  Hanggang sa huli mahirap pa ring magdesisyon dahil tila lahat ay may balakid.

Dahil mahirap yan sagutin panuorin na lang natin silang sumayaw.  Pero anu nga ba?  Sino dapat iboto?



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: