Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, June 10, 2016

Higanteng Mapa ng Pilipinas Gawa sa Post-It

Araw na naman ng kalayaan sa Pilipinas at ipagdiriwang na naman ito sa iba't-ibang paraan.  Sa isang mall sa Bulacan ay tila naisipang magkaroon ng kakaibang exhibit na kung saan isang higaneng bandera ng Pilipinas na gawa sa Post-it ang ipapakita (Philippine map giant diorama made of Post-it).


Sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong ng mga emplyedo, mall guards, agency personnel, Girl Scouts of the Philippines, mga estudyante, SM little Stars candidates, finalists and winners kasama ang kanila mga magulang at mga mamimili ay sama-samang mabubuo ang nasabing diorama sa SM CITY BALIWAG.

Ito ay paggunita sa ika 118th Philippine Independence Day sa June 12, 2016.  Ang proyekting ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Scotch, Post It at 3M Philippines.  Ang mga consumer brand na ito ay nakikiisa sa pagdiriwang upang mas mapalapit ang damdaming makabayan sa ating lahat.

Isa ito sa mga unang pagkakataon na kung saan ang 3in. x 3in. Bora Bora Collection Post-It Notes ay ginamit para gumawa ng isang 12ft. x 24ft, Philippine map diorama. Sa dioramang ito makikita ang kakaibang galing sa crafting at paper folding.  Ang diorama ay nakatayo kasama ang isang malaking Philippine flag na gawa rin mula sa iba't-ibang produkto.  May higanteng message board din na may mga mensahe.




Makiisa at bumisita sa SM City Baliwag upang tunghayan ang kamangha-manghang obra na ito.  Kasama sa mga magpapasinaya sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng Post-It at 3M Philippines, 48 IB Guardian Band of the Philippine Army, Sampaca Baliuag, Asst. District Supervisor Ms. Cecille Valderama of DepEd, SM Little Stars, Boys and Girls Scout of the Philippines Baliuag Chapter at mga mag-aaral mula sa Jacinto Ponce Elementary School at North and Central Elementary School ng Baliwag, Bulacan.

Tunghayan ang exhibit na ito buong Hunyo sa SM City Baliwag Mall Atrium.  Tunay nga na masasalamin din nito ang matinding galing nating mga Filipino sa Sining.

Mabuhay tayong lahat sa Araw ng Kalayaan!


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: