Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, July 20, 2016

Only the poor gets convicted in the Philippines?


Sa desisyon ng Supreme Court na palayain si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa botong 11-4 ating maitatanong asan ang hustisya sa Pilipinas.  Is it true that only the poor gets convicted in the Philippines?  Ang daming napapatay na mga pusher na mga pipitsugin at maliliit pero ang mga PNP Generals na sangkot may imbestigasyon pa bago ipakulong at tanggalin sa pwesto.  Asan ang katarungan para sa mahihirap nating kababayan?Ang pagpapalaya ng Supreme Court kay ex-President Gloria Macapagal-Arroyo ay isang sampal sa ating bansa.  Ibig sabihin nito ay kayang makawala sa anumang pananagutan ang sinumang nasa mataas na katungkulan.  Nakulong si Erap per na pardon naman ni Arroyo at ngayon si Arroyo naman ay malaya na.  Napakalaking kalokohan sa bayan ni Juan!

Noong 2004 ninakaw ni Arroyo ang pagka-Pangulo kay Fernando Poe Jr.  Sa kabila ng napakalakas na ebidensya ay nakuha ng "I Am Sorry" ang kabastusan na ito.  Hindi ba election sabotage ang tawag dito?

Naikwento sa akin ng isa kong kakilala dati kung ano talaga ang ugali ni ex-President GMA - nakakatakot, walang puso at palautos.  "She is devil incarnate," yan pa nga halos ang sinabi niya.


Kaya nga napapaisip ako kung totoo nga ang mga kumakalat noon na isa sa pinakamalaking backer ni President Duterte ay si Arroyo at kapalit nga nito ay ang kanyang paglaya.  Hindi natin alam mga kababayan kung ano ba talaga ang nangyayari sapagkat tayo ay mga hamak na "pawn" lamang ng mga pulitiko.  Sila ang magdidikta kung ano ang mangyayari sa ating bayan at ang anumang gagawin nila ay makaka apekto sa ating buhay.

Nga pala pustahan tayo makakalakad na yan ng maayos at mawawala na ang neck braces.  Tapos na ang show eh.  Epic talaga.

Naniniwala ka ba na walang kasalanan si ex-PGMA?  Ayaw kong manghusga pero ako naniniwala ako.



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: