Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, July 20, 2016

SM Donate to Solar Projects in Bulacan

Magandang balita naman tayo.  Nagdonate ng mahigit Php15,000 sa Jubilee Shelter Program (JSP) ng Diocese of Malolos Commission in Action ang SM City Marilao kamakailan.  Ang donasyon ay gagamitin para sa Solar Powered Community Projects ng samahan sa lalawigan ng Bulacan.

(R-L) SM City Marilao Marketing Manager Charisse Macaraeg, Building Administration Manager Janette Aguilera, JSP Development Advisor Joseph Batac (middle left) and SM City Marilao Marketing Officer Elaine Ira (extreme left). 
Galing ang nasabing donasyon mula sa "Concert for the Earth" na ginanap noong April 22.  Layunin ng concert ang makalikom ng donasyon para sa mga renewable energy solutions para sa mga programang pangkabuhayan ng JSP.  Kasama sa mga programang ito ang pagtatanim ng puno at pagpapalawak ng iba pang uri ng taniman.

Ibinigay ang donasyon sa JSP sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa SM City Marilao na pinamunuan ni Kristine Joyce Sangalang, SM City Marilao Tenant Relations Manager.  Si  JSP Community Development Facilitator Laarni Galario. ang tumanggap ng nasabing tseke.

Maraming salamat SM City Marilao para sa patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkalikasan.

Pasa sa iba pang updates mula sa SM City Marilao bisitahin ang kanilang Facebook page.


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: