Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 15, 2016

Vigilante Killings in the Philippines: Tama ba o maling patayin ang mga kriminal at pusher?


Tila padami na ng padami ang namamatay sa Pilipinas dahil sa illegal na droga.  Sa loob lamang ng ilang linggo ay umabot na sa mahigit 100 ang napatay dahil umano sa droga.  Kung hindi pulis ang nakapatay ay nilalagyan ng "sign board" na may nakalagay na "Pusher ako" o kaya ay "magnanakaw ako."  Talaga bang kriminal ang mga ito o ginagawa lang ito para makalusot sa ginagawa nilang pagpatay.

Si Pangulong Rodrigo Duterte na mismo ang nagsabi na kahit ang mamamayan ay pwedeng pumatay kung sa tingin nila ay involve sa droga o pusher ito.  Tila nagiging legal ang pagpatay sa mga kriminal.  Ang tanong dito ay kriminal nga ba sila o baka naman biktima lang ng sitwasyon?



Kung may kaaway ka mag-iingat ka sapagka't madali na lang na ikaw ay mapatay.  Babarilin ka, tataniman ng droga at lalagyan ng sign na nagsasabing wag kang tularan.  Pagkatapos ay kukunin ang lahat ng pagkakakilanlan mo.  Tila nagiging makatotohanan para sa lahat ang ganitong senaryo.

Tama nga ba ito?  Ito ba ang pinakamabisang paraan para mabago ang ating bayan?


Sumasang-ayon ako na ibalik ang "Death Penalty" para sa heinous crimes at kasama na rito ang illegal na droga.  Subalit kailangan na dumaan sa proseso ng batas ang anumang parusa.  Hindi pwede na bigyan ng basbas ng pamahalaan ang anumang pagpatay dahil sa kampanya nito sapagka't delikado ito.  Madaling maabuso ang mga ganitong pamamaraan at ang magiging biktima ay ang mga mahihirap natin kababayan.


May sala nga ba sila kaya napatay?

Kamakailan lamang ay napatay si Jefferson Bunuan sa Sta. Ana Manila.  Isa siyang iskolar at nag-aaral ng criminology.  Wala raw kinalaman sa droga ang inaakusahang drug courier.  Ang sabi ng mga pulis "LAHAT" na raw ng mga involve sa drugs ay may baril,  Eh di wow!


Tila madali na lang pumatay ngayon hindi ba?  Samahan pa natin ng mga bastos na tao na tila walang pakialam at dahil sa mga pangyayari ay tila tuwang-tuwa pa.  Wag sana ito mangyari sa mga kaibigan o kamag-anak ninyo.



Ikaw sumasang-ayon ka ba na dapat mamatay na ang mga kriminal at pusher?  Sino ba ang dapat pumatay sa kanila?  Ano ang masasabi mo hinggil sa isyung ito?

Change is coming na nga ba o worst is coming?



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: