Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 26, 2016

Walang kwenta ang SONA ni Duterte?



Walang kwenta raw as in nonsense ang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Roa Duterte.  "SONA 2016: Duterte's winding speech a 'lost opportunity' – analysts."  Yan po ang sabi ng mga pinagpalang mabiyayaan ng sobrang katalinuhan para sabihin kung may sense o wala ang sinasabi ng ating Pangulo.  Weh di nga?
"The speech just went on in various directions...[It's] a lost opportunity because speeches like these are a moment to unify the country, make clear the vision of governance," - Former Ateneo School of Government dean Antonio La Viña
Ayan kung saan-saan daw nagpunta yung speech ni Digong.  Hirap kasi baka di makaintindi ito ng Tagalog kaya nagrereklamo.  Gusto yata eh sobrang pormal ang speech.  Sa totoo lang mas marami pa ako naintindihan sa SONA 2016 kesa sa kahit anong SONA na napanuod ko dati.  At least ito direkta at naiintindihan ng karaniwang tao.  Aba di lang naman kayo ang Filipino di ba?

"Where is he taking us 6 years from today? It's not only drugs, drugs, drugs. I'm looking for the big picture, the long view," - Rappler editor-at-large Marites Vitug
Oh saan daw tayo dadalhin ni Pangulong Duterte?  Aba eh mare nakikinig ka ba?  Baka naman puro cellphone lang ang inaatupag mo dyan habang nagcocoverage ka.  Siguro dapat basahin nito yung ating sinulat na, "President Rodrigo Duterte SONA 2016 Reactions" baka sakaling may maintindigan ito kung saan tayo patungo.

Napakalinaw po kung saan tayo dadalhin.  Hindi naman kailangan na spoon feed pa.  Ang sabi nya aayusin natin ang mga bagay-bagay ng sa gayon pag-alis nya ay may iwan sya na mas magandang Pilipinas.  Anu pa ba gustong marinig neto?  Hoy Gising!

Duterte was "very complicated" and hard to figure out. - political psychologist Cristina Montiel
Well, agree ako dyan kapatid.  Mahirap talagang tantyahin itong si Pareng Digong.  At tama ka rin sa sinabi mo na alam nya paano kumonekta sa tao at kung paano nya ipaparating ang kanyang mensahe sa MAS NAKAKARAMING FILIPINO.

Sinulat ko po anga artikulong ito matapos kong mabasa ang artikulo sa Rappler na, "SONA 2016: Duterte's winding speech a 'lost opportunity' – analysts."   Pwede nyo rin namang basahin ng malaman ninyo.

Palagi na lang kakaiba pananaw ng website na ito.  Naalala ko tuloy noong debates palaging si Mar Roxas yata ang panalo sa kanila.

Anyways, salamat sa pagbabasa.  Ako naiintindihan ko SONA ni Presidente Digong, ikaw nagets mo ba?



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: