Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, July 21, 2016

What is the real problem of the Philippines?


Ano nga ba ang tunay na problema ng ating bansa?  Ito nga ba ay ang droga at corruption gaya ng sinasabi ngayon ng ating pamahalaan?  Tama naman po ang ating gobyerno sa pamumuno ni President Rodrigo Duterte na kailangang sugpuin ang droga at matigil na ang corruption.  Pero may higit pa tayong kalaban,  May higit pang problema ang ating bayan,

"Mga kapatid mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga dayuhan - ANG ATING SARILI." - Heneral Luna



Ito ang binitawang salita ng magiting na bayaning si Heneral Luna.  Hindi droga, hindi corruption at hindi kahirapan ang pinakang problema ng Pilipinas kundi tayo mismo.  Ang kawalan natin ng dignidad at pinaninindigang values ang siyang patuloy na nagpapabagsak sa atin.

Ang kawalan natin ng pagkilala at pagkatuto sa kasaysayan at sa mga aral nito ang dahilan ng paulit-ulit nating pagkakamali.  Winawasak, kinakalimutan at pinagtatawanan ang kasaysayan at ang mga naging kasama nito - IYAN TAYO!

Alam mo ba ang kantang Noypi ni Bamboo?
Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko...
Tama nga, buo nga ang loob at matapang ...

  • sumingit sa pila
  • umihi sa bangketa
  • magtinda at humarang sa bangketa
  • manira ng ibang tao.
  • ibagsak at kaiingitan ang iba.
  • manira sa gobyerno habang walang ginagawa para tumulong dito.
  • maging rekless driver at maging dahilan ng trapik.
  • tumawid sa kalsada kahit red light.
  • manlamang at pagkakitaan ang kapwa.

Hindi ko sinasabi na lahat ng Pinoy ay ganyan pero sa araw-araw kong pagcocommute dati, naku po maiinis ka lang sa dami ng nagsasabing gusto nila ng pagbabago pero SILA MISMO ANG HINDI NAGBABAGO!

Values is the foundation of what we are and how we act.  Hangga't hindi nabibigyang halaga ito sa edukasyon, sa media at sa mismong pamahalaan natin mananatili tayong nasa madilim na landas.

Magagawa ba ito ng pamahalaan na binibigyan pa mismo ng pagsang-ayon ang mga gawaing hindi naman kung tutuusin dapat pamarisan at gawin?

Ikaw ang magsabi kaibigan?  Ano nga ba ang problema natin?

Paano natin naatim na bigyang pagsang-ayon ang talamak na patayan na kung saan marami ay mahihirap at walang laban ang namamatay.  Are we living in a "VIGILANTE SOCIETY".

May magbabago pa ba?  Ikaw lamang ang makakasagot dito kaibigan.

Related Articles:  



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: