Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, September 1, 2016

Alyas Robinhood was not copied from Arrow


We can definitely conclude that Alyas Robinhood was not copied from Arrow.  Malayong-malayo po ang dalawang palabas at ito po ay ating papatunayan sa post na ito.  Pawang mga naiingit lamang po sa GMA 7 ang mga bumabatikos sa palabas na ito.  Kung tutuusin ito po ang isa sa pinaka original na palabas ng Kapuso Network.

Alyas Robinhood vs The Arrow: The Trailer


Unang-una po napakalayo ng trailer ng dalawang palabas.  Di hamak na maiksi lamang ito pero ang sa Arrow po ay mahaba.  Nasaan po ang pagkakatulad sa dalawang ito.  Bakit po ninyo nasabi na katulad?



Alyas Robinhood vs The Arrow:  The Costume


Malayo rin po ang kanilang costume at ipapakita po natin ito sa inyo na mga naiingit lamang sa GMA 7 at kay Dingdong Dantes.


Sa hood pa lang po hindi ba magkaiba sila? Pati na rin sa kulay.  Medyo dark green yung sa Arrow samantalang sa Alyas Robinhood ay pure green.  Mas maluwang din po ang hoodie nung isa samantalang dun sa isa ay mas makitid.


Eto pa po ang isa.  Nakita nyo po pag pumapana si Arrow ay naka hood samantalang si Alyas Robinhood ay walang hood.  Saka wala rin pong eye bags sa mata si Dingdong Dantes.  Pagdating naman sa quality ng bow and arrow mukhang mas sophisticated yung kay Arrow.


Ayan tindigan pa lamang.  Kita nyo naman po si Dingdong nakabukaka samantalang si Arrow deretso lamang.  Tapos ang pana po ni Alyas Robinhood ay nasa may binti nya at wala po sa likod.  Nasaan po ang pagkakatulad.  Wala po akong makita na similarities sa kanila.  Hindi po ba.

Alyas Robinhood vs The Arrow:  Oliver Queen's Reaction


Syempre para po patas tinanong po natin mismo si Arrow tungkol sa kanyang reaction at eto po ang masasabi nya.


Alyas Robinhood vs The Arrow:  The Truth


Well the truth about this issue can be seen behind this article.  Tingnan na lang natin ang side by side comparison and masasabi natin na napaka lapit nga ng similarities.  Matagal na rin naman tayong nangongopya ng mga foreign movies so wala namang bago rito.  Siguro sa panahon lang ngayon mas aware na ang tao.

This whole article is a SATIRE FYI 


Para dun sa mga hindi po agad maintindihan at medyo nag react sa ginawa nating comparison.  I am a DC fan as well and I know the minute the teaser runs that it is copied from Arrow.  This should be admitted and in any case acknowledge.  The creative originality of shows should be disclosed.  Sa palagay ko deserve ng ating mga kababayan ang mas maganda, mas creative at mas makabuluhang mga palabas.

Salamat po!

Kayo may say ba kayo sa Alyas Robinhood?


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: