Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, September 13, 2016

Pinoy Good News: Tulong mula sa Basura

Isang PINOY GOOD NEWS ang ating nais ibahagi ngayon sa inyo mga KaJuan.  Mula ito sa SM City Baliwag kung saan ang mga basura at patapon ay nagbigay ng pag-asa at tulong sa mga nangangailangan.  Hindi lamang pala seguridad ang binibigay ng Customer Relations Services Department ng SM City Baliwag kundi makabuluhang pagtulong din.

Matatandaang may tinatawag na "Trash to Cash" na proyekto ang lahat ng SM Supermalls.  Sa proyektong ito ay inaanyayahan ang lahat na magbawas ng kanilang basura at kumita ng pera.  Ginagawa ito tuwing unang Biyernes at Sabado ng buwan sa lahat ng malls ng SM.

Tulong mula sa Basura


Ang lahat ng nakolektang basura at ang pera mula dito ay gagamitin upang makabili ng mga basurahan na ilalagay sa mga public schools.  Ito ang unang tulong upang mas maging malinis ang komunidad.

Subali't higit pa rito ang ginawa ng SM City Baliwag, Customer Relations Services Department.  nagdonate sila ng isang laptop sa PNP Baliuag Chapter para magamit nito sa kanilang operaston.  Bukod dito ay nagkaroon din ng "feeding program" sa mga batang nasa Bethlehem House of Bread sa Little Baguio, Baliwag Bulacan.  Umabot sa 90 mga bata ang nabiyayaan ng feeding program.

Subalit hindi pa dyan natatapos mga KaJuan, nagbigay din sila ng 20 piraso ng Reflectorized Traffic Vest sa mga Traffic Enforces ng Baliwag.  Wow!  Pag ganyang balita ang malalaman mo hindi ba makakahinga ka ng mas maluwag.

Ang lahat ng yan ay galing sa basura.  Hindi lamang may pera sa basura kundi may pagbabago itong nagagwa para sa kinabukasan.

“SM City Baliwag in return will be always grateful to every blessing that we are receiving. Corporate Social Responsibility is our own little way of giving back. “, CRS Manger of SM City Baliwag Mr. Ronald Pulumbarit said. 

Saludo kami sa inyo -  SM City Baliwag, Customer Relations Services Department!


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: