Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, September 21, 2016

The truth about Sen. Leila de Lima?


Sa hearing na ginagawa ngayon sa Kamara matatanong natin kung totoo nga ba ang lahat ng ito?  Ganito nga ba kasama si Sen. Leila de Lima?  Isa nga ba siyang corrupt at nasa payola ng mga drug lords?  Ang isang matikas, matapang at upright na tao ay biglang itinuturo ng mga kriminal bilang boss.  Ano ang katotohanan?


Narito ang mga sinumpaang salaysay ng mga nagtuturo kay Sen. Leila de Lima na siya ay nasa payola ng drug trade sa New Bilibid Prison:

Sinumpaang Salaysay ni Jaime Patcho


 Sinumpaang Salaysay ni Noel Martinez




Ano ang katotohanan tungkol kay Sen. Leila de Lima?


Ayaw kong magsalita ng pinal ukol sa usapin na ito, kaya mga kaibigan kayo ang tatanungin ko at bibigyan ko ng ilang bagay para mag-isip.


  • Ang mga nagtuturo kay Jaybee Sebastian ay mga kalaban niya o maaaring may inggit sa kanya sapagka't nabigyan siya ng malaking pabor sa New Bilibid Prison.  Hindi ba kapag ganun ay gagawin mo ang lahat lalo na pag may pagkakataon para ibagsak siya?
  • Isipin mo na sa 20,000 bilanggo ay 40 lang ang nagbabantay sa kanila.  Sa palagay mo ba kapag nagkaroon ng riot at hindi naisaayos o nagawan ng sistema ang NBN kakayanin kaya ito ng mga nagbabantay sa kanila?
  • Bakit maglalakas ng loob si Sen. Leila de Lima na kalabanin si Pangulong Duterte kung ang katotohanan ay mayroon siyang maling ginagawa o sariling baho?  Hindi ba matalino siya at alam niya na madaling sisingaw ang bahong ito?
  • Ang mga nagtuturo ay mga taong nawalan ng pribilehiyo o di kaya ay may sama ng loob.  Credible witnesses ba ang mga ito?
I am not favoring Senator Leila de Lima on this issue.  Who knows the reality behind their public life right?  But I had the honor to met her twice and judging from her personality, she has a strong sense of public service and righteousness.  Kaya nga shock ako sa lahat ng ito na kung totoo ay malaking kasinungalingan pala ang lahat ng kanyang ginagawa.


What do you think?  Guilty nga ba si Sen. de Lima o hindi?  Gawa-gawa lang ba ang mga ito o totoo?  Gusto naming marinig ang mga palagay ninyo.

Salamat po.



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: