Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, October 6, 2016

Save Patintero! Save Philippine Cinema!

Walang masamang manuod ng Hollywood movies o ng mga superhero films ng DC at Marvel.  Ang tanging masama ay kung para sa iyo sila lamang ang pinapanuod mo at sa tingin mo sila lamang ang magagaling gumawa ng pelikula.  Hindi lamang "special effects" ang pelikula kundi isa itong paraan upang makarating sa ibang lugar at madagdagan ang kaalaman.  Nakakalungkot na mula 31 cinemas ay nabawasan agad ng 9 sa unang araw ang pelikulang Patintero.  Ito na ba ang estado ng ating pagmamahal sa sariling pelikula?  GISING!  SAVE PATINTERO!

Bakit nga ba ako manunuod ng pelikulang bakya?


"Bakya", ito ang tawag ng marami sa mga pelikulang pinoy na hindi napapabilang sa trendy "romantic" and "love" stories na pumapatok sa takilya.  O kaya sa mga pelikulang pinagbibidahan ng mga bagong artista.  Subalit, sa totoo lang ito ang mga pelikulang mas may laman, may sense at mas dapat panuorin.

Ang Patintero ay isang rare na pelikula na sumasalamin sa isang laro na maaaring makalimutan na natin.  Ito ay bahagi ng ating kultura na dahan-dahang nilalamon ng makabagong teknolohiya gaya ng social media at gadgets.  Isang kultura na nag-aalis ng pisikal na pakikisalamuha ng bawat tao.  Kulang na nga lang kainin ng mga tao ang cellphone at computer nila eh.


Save Patintero

Kung nagustuhan ng marami ang Heneral Luna, maaari naman sigurong suportahan din natin ang pelikulang PATINTERO.  Panahon na upang muli ay mahalin at tangkilikin natin ang sariling atin.  Baka naman namamahalan ka sa mga sinisingil ng mga sinehan?  Siguro PANAHON NA RIN UPANG GAWING TAX EXEMPT ANG MGA INDIE FILMS at may TAX CUT ANG LOKAL FILMS.  Hindi ba?

Narito ang isang kanta na ibinahagi sa atin ng magiting na aktor na si John Arcilla na gumanap bilang Heneral Luna.

Actually na LSS na kami dito bigla.  Kung astig ang kanta mas astig ang pelikula.

Nuod na!


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: