Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, January 18, 2017

How did Manny Pacquiao proved that Death Penalty has a big flaw?


Maraming salamat Senator Manny Pacquiao because you had proven that the DEATH PENALTY HAS A VERY BIG FLAW. Aaminin ko mga kababayan pro death penalty ako lalo na sa mga henious crime gaya ng rape, drugs at dapat nga pati PAGNANAKAW SA GOBYERNO. kaya lang ang problema kasi sa bansa natin ay hindi pa rin maayos ang justice system kasi "justiis" pa rin, Anyway, paano napatunayan ng senador na walang kasalanan ang namamatay sa death penalty? Eto na...

 Jesus Christ is Innocent Right?


"And then sa Panginoon, biblically, binibigyan ng Panginoon ng karapatan ang government to use capital punishment. Even Jesus Christ nga nasentensyahan nang kamatayan dahil ang government nag-impose talaga ng kamatayan,"  - Senator Manny Pacquiao
Tama!  Naparusahan nga ng kamatayan maging si Kristo pero teka.... HINDI BA WALA SIYANG KASALANAN? Inosente si Jesus Christ eh!  So ano pinapatunayan nyan - dahil sa pasurang kamatayan pwedeng maparusahan ang walang kasalanan kung bulok at palakasan ang sistema.

Si Pontio Pilato ay natakot sa mga taumbayan at para hindi siya makaranas ng anumang resbak sa mga ito ay hinayaan niya ang tao ang magdesisyon.  Syempre dahil na rin sa maling paniniwala at galit ng mga tao ay si Barabas ang pinalaya nila imbes na si Kristo.

Pabor ka ba sa Death Penalty?


Ikaw ba kabayan pabor ka ba sa death penalty?  Bakit ba kailangan pang ibalik ito?  Paano na yung sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na araw-araw ay may idedeath penalty?

Anuman ang mapagpasyahan sana ay wag madamay ang walang kasalanan.

Reference: Rappler.com


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: