Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, January 10, 2017

Kasama ka ba sa BOBONG PINOY?


Noong bandang year 2000 natatandaan ko pa ang isang website na bobongpinoy.  Laman ng website na ito ang sa tingin ng site ay mga kabobohan ng mga Filipino.  Nang tumagal ang panahon ay ito ang nagpasimula sa career ng sikat na book author na si Bob Ong na isang Pinoy.  Hindi ba pag pinagsama mo ito ay "BobOng"?.  Kasama ka ba sa mga bobong Pinoy o naniniwala ka ba na meron nito?  Ano nga ba ang bobong Pinoy na salot sa lipunan?


Ang Mga Nakakainis na BOBONG PINOY


Sinulat ko ang artikulong ito dahil sa loob ng 3 buwan kong pag commute sa MRT at sa halos mahigit 2 taon ko na pagpila sa bus sa Valenzuela ay palagi akong naiinis sa mga bobo!  Oo bobo ang tawag ko sa mga taong nakikita ko na gumagawa ng mga bagay na hindi naman dapat.

Ano ba ang bobong Pinoy para sa akin?  Well mga nagtyagang magbasa nito eto lang naman:

  1. Mga sumusingit sa pila,
  2. Nakikipag unahan kahit na may pila na nga. (Ang bobo di ba?).
  3. Mga taong tumatawid sa kalsada kahit naka red ang pedestrian crossing.
  4. Mga taong tumatawid sa gitna ng kalsada kahit na nga may footbridge. (tapos maninisi kapag nasagasaan.  Kung akio lang dapat hindi mananagot ang mga sasakyan pag nakabangga ng mga bobong Pinoy).
  5. Mga bus driver at kotse na bumubusina kahit na alam nila na traffic o di kaya bumubusina sa ilalim ng bus terminal sa mall.
  6. Mga driver na beating the red light habang may tumatawid sa pedxing.
  7. Mga taong palagi na lang nasa pintuan ng bus at ayaw umusog.
So far yan pa lang naman ang mga natatandaan ko na talaga naman BOBONG PINOY na matatawag.

Ano ang karanasan mo sa mga BOBONG PINOY?


Nakakita ka na ba ng mga tulad ng nabanggit ko?  May mga nais ka pa ba idagdag sa list?  Huwag mahihiya dagdag lang, pwede mo pa nga icomment at samahan ng photo para naman matigil na ang mga ganitong kabobohan.

Aba eh di ba 2017 na!  Hindi pa rin nagbabago ang mga ganitong ugali na siyang sanhi ng hindi natin pag-unlad.  Sabi ni Pangulong Duterte "Change is Coming" baka naman hindi War on Dugs ang dapat gawin kundi War on Bobong Pinoy.

Ano sa palagay nyo?


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: